Itinalagang bagong Regional Director ng DepEd SOCCSKSARGEN si RD FRANCIS CESAR B. BRINGAS, CESO V, Director IV, nitong Pebrero 5, 2021 sa isang virtual Turn-Over and Installation Ceremony na pinangunahan ni Usec. Revsee A. Escobedo.
Mas kilala sa kanyang mga kapamilya at kaibigan sa tawag na “RD Panchet”, nagsimula siya sa Kagawaran bilang isang guro (Teacher I) ng Abra High School noong 1997, at kalauna’y naging Head Teacher 3 (2002-2007) ng parehong paaralan at naging Principal 1 ng Dalit National High School (2007 – 2009) pagkatapos maipasa ang Principal’s Exam noong 2006.
Bago pumasok sa DepEd, naging Research Assistant siya sa University of the Philippines pagkagradweyt ng Bachelor of Science in Chemistry sa UP Diliman noong 1989. Dahil nais niyang manilbihan sa sariling bayan sa Bangued, Abra, naging College Instructor siya ng Divine Word College of Abra mula 1990 hanggang 1997.
Masasabing “meteoric rise” ang pag-angat ng karera ni RD Panchet. Pagkatapos maipasa ang Career Executive Officers Examination (CEOE) at Education Management Test (EMT) noong 2007, itinalaga siyang OIC – Assistant Schools Division Superintendent ng DepEd Division of Abra (2009 – 2012) at naging Asst. Schools Division Superintendent ( 2012 – 2013). Nang maging ganap na Career Executive Service Officer (CESO) noong 2013, itinalaga siyang OIC – SDS (2013-2014) at Schools Division Superintendent ng DepEd Division of Baguio City mula 2014 hanggang 2016.
Dahil sa kanyang sipag, talino at determinasyon sa trabaho, itinalaga siyang Officer-in-Charge ng Office of the Assistant Regional Director ng DepEd CAR (January – June 2016) at sa DepEd IV-A CALABARZON (June 2016 – July 2018). Noong July 2018, inilipat siya sa DepEd Caraga bilang OIC – Regional Director habang isang full-fledged Assistant Regional Director hanggang May 14, 2019.
Bago nailipat dito sa DepEd XII, isang full-fledged Regional Director si RD Panchet sa DepEd Caraga, ang posisyong kanyang ginampanan ng buong husay mula May 15, 2020.
Upang lalong mapahusay ang kanya nang mahaba at masaganang karanasan at kahusayan bilang isang pinuno ng edukasyon, kaliwa’t kanang nasyonal at internasyonal na seminar at pagsasanay ang kanyang dinaluhan kabilang na ang Flexible Learning Tutors Building and Certification Course sa Fukui at Nara Prefectures, Japan (July 2019), Global Education Skills Forum sa Dubai, UAE (March 2019), Australian Association for Research in Education sa University of Sydney (December 2018) at Temasek Foundaton International Governance and Public Administration Programme sa Civil Service College Singapore noong November 2017.
Ipinanganak noong Oktubre 2, sa Bangued, Abra, lumaking mulat sa buhay edukasyon si RD Panchet dahil ang ama nitong si Arsenio B. Bringas ay dating Administrative Officer ng DepEd Abra habang ang kanyang butihing ina, Petra A. Bersamin, ay dating Schools Division Superintendent ng DepEd Abra.
Tunay ngang nasa mabuting kamay ang mga kabataang SOX kay RD Francis Cesar B. Bringas! See Less